Katutubong wika, ano nga ba Ang katutubong wika? Bakit ito mahalaga? Nakakatulong ba ito sa ating pang araw araw na pamumuhay? Mga tanong na atingsasagutin at ipapaintindi sa inyong mga mambabasa. Simulan natin sa salitang katutubo na sa Ingles ay indigenous people na mayroong maiitim na kulay, kulot na buhok at mabababa. Sila ay mayroong angking galing sa pagsayaw at pagtugtog ng kanilang mga tradisyonal na instrumento. Wika na ating ginagamit sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa isa't-isa.Ating wika na kainakailangang pahalagahan at ipagmalaki, ang sabi nga ni Almario "ang bawat wika ay may sariling buhay at nakapaloob sa buhay nito ang tradisyon ng marami henerasyon ng mga pilipino" kaya't samahan niyo akong ibahagi sa inyo kung ano nga ba ang katutubong wika at kahalagahan nito sa ating buhay.
Katutubong wika, ano nga ba Ang katutubong wika? Bakit ito mahalaga? Nakakatulong ba ito sa ating pang araw araw na pamumuhay? Mga tanong na atingsasagutin at ipapaintindi sa inyong mga mambabasa. Simulan natin sa salitang katutubo na sa Ingles ay indigenous people na mayroong maiitim na kulay, kulot na buhok at mabababa. Sila ay mayroong angking galing sa pagsayaw at pagtugtog ng kanilang mga tradisyonal na instrumento. Wika na ating ginagamit sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa isa't-isa.Ating wika na kainakailangang pahalagahan at ipagmalaki, ang sabi nga ni Almario "ang bawat wika ay may sariling buhay at nakapaloob sa buhay nito ang tradisyon ng marami henerasyon ng mga pilipino" kaya't samahan niyo akong ibahagi sa inyo kung ano nga ba ang katutubong wika at kahalagahan nito sa ating buhay. Ang katutubong wika ay isang wika o diyalekto na ginagamit ng isang katutubo o indigenous na hanay ng mga tao. Ito ay madalas na tinutukoy bilang pangunahing wika ng isang katutubong pangkat, at kadalasang ginagamit sa tahanan, komersyo, at pamamahayag. isang wika na ginagamit ng isang pangkat ng mga tao, kung saan sila ay pinanganak, nagtayo, at lumaki. Ito ay wika ng mga sinaunang residente ng isang lugar bago pa dumating ang mga dayuhang kultura at wika. Ang ibig sabihin nito, ang katutubong wika ang mga wika ng mga katutubo, kung saan sila ay ang unang pangkat na namuhay sa isang pook. Ito ang mga salita na ginagamit nila araw-araw, para makipagusap sa mga kaibigan, pamilya, at iba pang mga katutubo. Ang mga katutubong wika ay may malalim na ugnayan sa identidad, kultura, tradisyon, at kasaysayan ng isang grupo.Dagdag pa rito ito ay Ang mga katutubong wika ay may malalim na kahalagahan sa ating lipunan at kultura. Ito'y nagbibigay- daan sa mga tao na ipahayag ang kanilang sariling kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan. Ang mga wika ring ito ay mahalaga sa pagpapalaganap ng kaalaman mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon. Binibigyan nitong boses ang mga komunidad na maaaring maglahad ng kanilang mga saloobin, kwento, at kaalaman sa kanilang paraan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa mga katutubong wika, nakakatulong tayo sa pagpapalaganap ng diversidad ng mga kultura at sa pagpapalakas ng kanilang kamalayan at pagkakakilanlan.Sumasalamin ito sa kultura at maniniwala sa tradisyon ng isang tiyak na pangkat ng tao at ito ay isang mabisang patunay na mabisa ang ating kultura. Hangarin ng katutubong wika ay magbigay kaalaman at magsilbing kasangkapan upang makamtan ang pag-unlad ng pansariling kasaysayan, kultura at kasalukuyang pamumuhay ng mga tao. Ang katutubong wika ay isang orihinal,likas at nakagawian na nating mga salita simula ng tayo'y isinilang sa mundong ito. Mahalaga ang katutubong wika dahil ito ang ginagamit natin para makipag usap sa kapwa natin pilipino at para magka-unawan tayo, at dapat pahalagahan natin ang katutubong wika at palawakin pa natin ang pakikipag kumunikasyon tungo sa panibagong mga kaalaman para sa mga susunod na henerasyon.Ito ay tinitingala bilang bahagi ng ating kultura at kasaysayan. sa pamamagitan nito maipapahayag natin ang ating mga tradisyon kaugalian at pagpapahalaga. ito rin ang susi upang maunawaan ang mga kuwento ng ating mga ninuno at ang mga aral mula sa kanilang karanasan. ang katutubong wika ang nagbibigay buhay sa kaisipan at damdamin ng mga pilipino. ito ay hindi lamang simpleng komunikasyon, kundi isang pagpapahayag ng pagiging pilipino. dapat natin itong isulong upang mapanatili ang yaman ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang isang lahi. sa aking palagay, hindi sapat na kilalanin lang natin ang katutubong wika dapat din itong aktibong isulong at bigyang pansin. ang wika ay mahalaga sa pag unlad ng bansa, at ang pagpapahalaga rito ay tanda ng respeto sa ating mga ninuno at sa ating sariling pagkakakilanlan bilang mga pilipino. Kung hindi natin ito pahahalagahan ay magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga taong sa isang komunidad.Ang katutubong wika ay mahalaga upang maging maayos ang komunikasyon ng bawat isa.Dahil sa katutubong wika natututo tayo sa kaalaman at sa wastong pananaliksik , at ginagamit din ang katutubong wika sa pagkatuto ng mga bata o gaya nating nag-aaral pa.Layunin rin ng katutubong wika ang mas palawakin pa ang kamalayan nating mga mamamayang pilipino.Ang mga katutubong wika ay mga mahalagang yaman na nagpapakita ng mayamang kultura at kasaysayan ng isang lahi. Ito'y nagbibigay boses sa kanilang mga ninuno at nagpapatuloy bilang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan. Sa Pilipinas, mayroong daan-daang katutubong wika, bawat isa'y may kani-kaniyang kwento at pagkakaiba.katutubong wika na karapat dapat na igalang at pahalagahan sapagkat ito'y wikang pinauso ng ating mga ninuno.Hindi ito ginagawang biro o katatawanan sapagkat tayo'y may sari sariling wika at tradisyon na iginagalang at nirerespeto kaya ating ipakita na tayoy sama sama at mayroong pagkakaisa Hindi basehan kung anong kulay o lagi ka ang mahalaga ay mayroong lag kakaisa at nagmamahalan.
Comments
Post a Comment